Sunday, February 06, 2005

Baduy Nga Ba?

Nagkaroon uli ako ng tsansa na makapuntang Makati kahapon. Sumakay lang ako ng jeepney, tamad akong magdala ng sasakyan kapag doon ang punta ko...mawawala talaga ako sa pagmamamaneho. Bukod sa hindi ako sanay sa lugar, napakaraming kalye na one way at nagpapalit pa ng scheme madalas. One way ngayun, sa isang linggo iba na. Sanay naman ako sa jeep, tricycle, ordinary bus, karetela pa nga kung minsan pag nasa probinsya. Pinakamatindi na nasakyan ko papuntang baryo (sa bukid) ay yung tinatawag nilang "kuliglig". Isang improvised na sasakyan (mini-tractor that doubles as a passenger vehicle). Bukod sa maingay, masakit sa puwet sa lakas ng vibration. Pagbaba mo galing sa sakay, parang nanginginig at umaalog pa rin ang katawan mo.

Napalayo ako. Habang nakasakay sa jeepney me nag-uusap na dalawang estudyanteng babae, makikinis at nagbubungisngisan. Me nakita yata yung isa at napasalita ng "eks, ang baduy naman ng mga yun!" sabay tawa yung dalawa. Sa kuryusidad ko, tinignan ko yung binabanggit. Dalawa ring kabataan, na ordinaryo ang suot, wala sa uso at magsyota...nakaholding hands kasi. Nakapumada ata o gel yung lalake at nakatsinelas pa. Ewan, bigla akong nag-isip. Ba't baduy? Napatalinhaga ako sa ibig sabihin ng baduy sa panahon na 'to. Ano ang pagkakaiba ng baduy nong 80's o 90's sa ngayun? Noong araw kasi sa pagkakaalam ko, ang "baduy" eh yung kulay pula ang polo, asul ang medyas at berde ang sapatos. Pero kung maalala natin, sa 90's yung pormang yun eh "in na in" pagpasok ng era ng "bagets"...so yung baduy sa porma noog 80's, pumatok ang ganun ding porma sa '90's.

Would a "baduy" mean less superior sa salita at gawa o sa porma? Naghanap ako ng mga articles para sa kahulugan ng "baduy" sa kasalukuyang panahon. The young generation describe them as: kung di ka fasionable o wala ka sa style, you're baduy; kung wala kang eteketa o medyo bastos, baduy ka; kung trying hard ka to be in pero out pa rin, baduy ka raw; kung old fashion ka, baduy ka raw; kapag kill joy o walang pakisama, baduy; mga englisero na english carabao, mga coño raw magsalita tulad ng "the more the many-er, give him the benefit of the daw or oh my God don't make tusok-tusok with that fishball". At baduy ka raw pag alam mo lahat ng pangalan ng membro ng Sex Bomb Dancers.

Sinubukan ko nga ilista ang labinlimang (15) bagay na unang pumasok sa isip ko kung ano meron ako para ma-assess ko kung ako eh baduy rin:
1. Kinakain ko ngayun habang nagbo-blog: kropeck (sitsaron)
2. Kadalasang pinapanood sa TV: PBA, TV Patrol, CSI at HBO
3. Kadalasang damit: button-fly jeans, gray cotton shirt, and sneakers. but i dress-up naman, kumporme sa okasyon.
4. My music: nothing but metal. Hate ko talaga ang disco at rap (sori sa mahilig 'nun).
5. Paboritong pagkain: bulalo na may katabing bagoong + kalamansi, pinakbet, papaitan.
6. Paboritong parte sa newspaper: editorial or opinion section
7. Kadalasang pasyalan: SM Megamall at Luneta (kasama ang pamilya)
8. Moody ako, ngayun nakatawa, mamaya seryoso na ang mukha.
9. Madali akong maluha pag nanonood ng drama movies (mga english ang type ko)...mababaw luha ko.
10. Mahilig ako sa gitara, dalawa gitara ko: isang Stratocaster at isang Lumanog.
11. Type kong almusal ay dilis, tuyo at itlog (dito yata hinango ang "jolog"...di-yo-log).
12. Laki akong probinsya...ilokano ako.
13. Napapadaan minsan sa ukay-ukay at tiangge.
14. Segunda mano ang sasakyan.
15. Mga barkada: (ang aking banda) mga kababayan ko na pareho ko rin ang ugali at porma.

Tsk, 75% baduy nga ako...eh ano?! But i'll disagree with the two kolehiyalas that i am less superior. I would say "baduy" is only in the mind...walang epekto sa akin, nakatrinelas man o naka-birkenstock.

No comments:

Nostalgia